1)Komedyanteng sidekick
2)Napakabata yung leading lady kaysa BIDANG lalake
3)BIDANG hindi namamatay
4)Fighting scene sa ibabaw ng truck na mabagal ang andar
5)Nagpapalitan pa ng salita bago magbarilan
6)Mga bulok na kotse na pinapasabog at hinuhulog sa dagat
7)Yung parehong mauubusan ng bala at magiging mano-mano ang laban.
8)Pasalubong  na pansit ng mga BIDA sa mga pamilya nila
9)Pompyang
10)Final scene ng bigboss at ng BIDA yung tipong nagsisigawan habang nakacover sila sa pader tapos sabay silang lalabas at magbabarilan then yung bigboss lang ang tatamaan
11)Yung mga pulis na dumadating pag tapos na ang laban
12)Dapat may lumalagablab na lovescene!!!
13)Syempre ang mga pamatay na linya tulad ng "Saging lang ang may puso"
14)Yung tipong magsisigawan ang BIDA at KONTRABIDA habang nakatago
15)Itim na leather jacket ng KONTRABIDA
16)Maong jacket ng BIDA
17)Punchline ng BIDA bago umatake sa KONTRABIDA
18)Hostage scene
19)Owner type jeep
20).45, M16, at granada
21)Yung warehouse na pinagshoo-shootingan
22)Yung mga bimpo sa ulo ng mga pulis!
23)Bakbakan ng BIDA saka maraming goons
24)"Mga Inutil! Isang tao lang di nyo pa mapatay!"
25)Yung dialogue ng kalabang big boss na "Mga bata alam nyo na ang gagawin nyo!"
26)Hindi nauubusan ng bala ang BIDA.
27)Hindi tinatamaan ng bala ang BIDA pero isang bala lang ang mga goons patay na.
28)Suntukan sa bar habang may mga sumasayaw na mga babaeng naka two piece lang
29)Leading lady at ang kabit ng BIDA
30)Yung mga sidekicks tulad ni Berting Labra
31)Bago matapos ang pelikula, sasabihin na ng BIDA ang title ng pelikula.
32)Yung mga palamig, fruit at vegetable stands na nababangga tuwing may habulan ng sasakyan
33)Yung 1on1 nung BIDA at KONTRABIDA tapos magsisigawan sila ng "Sumuko ka na, pagbayaran mo ang mga kasalanan mo". tapos sasagot ng "Di ako susuko papatayin muna kita"